Curriculum Guide of K to 12 Elementary – Edukasyon sa Pagpapakatao Gr. 9
Objective
Curriculum Information
Education Type
K to 12
Grade Level
Grade 9
Learning Area
Edukasyon sa Pagpapakatao
Content/Topic
Ang Papel ng Lipunan sa Tao
Ang Tungkulin ng Tao sa Lipunan
Mga Kaugnay na Pagpapahalaga sa Paggawa
Mapanagutang Pagpaplano ng Kursong Akademiko o TeknikalBokasyonal Negosyo o Hanapbuhay
Curriculum Guide
Intended Users
Educators
Competencies
Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat
Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalangalang sa kabutihang panlahat sa pamilya paaralan pamayanan o lipunan
Napangangatwiranan na ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga ay mga puwersang magpapatatag sa lipunan
Naisasagawa ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa pangangailangang pangkabuhayan kultural at kapayapaan
Naisasagawa ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa pangangailangang pangkabuhayan kultural at kapayapaan
Natataya ang pagiral o kawalan sa pamilya paaralan baranggay pamayanan o lipunanbansa ng prinsipyo ng subsidiarity at prinsipyo ng pagkakaisa
Napatutunayan na may mga pangangailangan ang tao na hindi niya makakamtan bilang indibidwal na makakamit niya lamang sa pamahalaan o organisadong pangkat kung umiiral ang prinsipyo ng subsidiarity mapananatili ang pagkukusa kalayaan at pananagutan ng pamayanan o pangkat na nasa mababang antas at maisasaalangalang ang dignidad ng bawat kasapi ng pamayanan kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunanbansa
Nakapagtataya o nakapaghuhusga kung ang prinsipyo ng subsidiarity at pagkakaisa ay umiiral o nilalabag sa pamilya paaralan pamayanan barangga at lipunanbansa
Nakikilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya
Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang ekonomiya
Napatutunayan na ang mabuting ekonomiya ay iyong napauunlad ang lahat walang taong sobrang mayaman at maraming mahirap ang ekonomiya ay hindi para lamang sa sariling pagunlad kundi sa pagunlad ng lahat
Nakatataya ng lipunang ekonomiya sa isang baranggaypamayanan at lipunanbansa gamit ang dokumentaryo o photovideo journal
Natutukoy ang mga gawain ng bawat institusyon ng lipunan
Naipahahayag ang paraan upang matupad ng isang ahensya ng pamahalaan upang mapanatili ang moralidad nito
Nahihinuha na ang layunin ng ls ay likaskayang pagunlad ay isang ulirang lipunan na pinagkakaisa ang mga panlipunang pagpapahalaga
Natataya ang adbokasiya ng ibat ibang lipunang sibil batay sa kontribusyon ng mga ito sa katarungang panlipunan pangekonomiyang pagunlad economic viability pakikilahok ng mamamayan pangangalaga ng kapaligiran kapayapaan pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan gender equality o ispiritwalidad mga pagpapahalagang kailangan sa isang sustainable society
Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao
Nasusuri ang mga paglabag sa karapatan na umiiral sa pamilya paaralan baranggaypamayanan o lipunanbansa
Napatutunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung gagampanan ng tao ang kanyang tungkulin na kilalanin at unawain gamit ang kanyang katwiran ang pagkakapantaypantay ng dignidad ng lahat ng tao
Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o namasid na paglabag sa mga karapatang tao sa pamilya paaralan baranggaypamayanan o lipunanbansa
Natutukoy ang mga batas na nakaayon sa likas na batas moral
Nasusuri ang mga batas na umiiral at panukala tungkol sa mga kabataan batay sa pagsunod nito sa likas na batas moral
Nahihinuha na ang pagsunod sa batas na nakabatay sa likas na batas moral natural law gumagaratiya sa pagtugon sa pangangailangan ng tao at umaayon sa dignidad ng tao at sa kung ano ang hinihingi ng tamang katwiran ay mahalaga upang makamit ang kabutihang panlahat
Naipahahayag ang pagsangayon o pagtutol sa isang umiiral na batas batay sa pagtugon nito sa kabutihang panlahat
Naipalilwanag ang kahalagahan ng paggawa bilang tagapagtaguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod
Nakakapagsusuri kung ang paggawang nasasaksihan sa pamilya paaralan o baranggaypamayanana ay nagtataguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod
Napatutunayan na sa pamamagitan ng paggawa nakapagpapamalas ang tao ng mga pagpapahalaga na makatutulong upang patuloy na maiangat bunga ng kanyang paglilingkod ang antas kultural at moral ng lipunan at makamit niya ang kaganapan ng kanyang pagkatao
Nakabubuo ng sintesis tungkol sa kabutihang naidudulot ng paggawa gamit ang panayam sa mga manggagawang kumakatawan sa taong nangangailangan marginalized na nasa ibat ibang karera o trabahong teknikalbokasyonal
Naiuugnay ang kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo sa pagunlad ng mamamayan at lipunan
Nakapagsusuri ng kwentong buhay ng mga taong inilaan ang malaking bahagi ng kanilang buhay para sa pagboboluntaryo
Napatutunayan na ang pakikilahok at bolunterismo ng bawat mamamayan sa mga gawaing pampamayanan panlipunan pambansa batay sa kanyang talento kakayahan at papel sa lipunan ay makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat bilang obligasyong likas sa dignidad ng tao ang pakikilahok ay nakakamit sa pagtulong o paggawa sa mga aspekto kung saan mayroon siyang personal na pananagutan
Nakalalahok sa isang proyekto o gawain sa baranggay o mga sektor na may partikular na pangangailangan
Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag at mayroong pagpupunyagi sa paggawa
Nakagagawa ng journal ng mga gawaing natapos nang pinaghandaan ayon sa pamantayan at may motibasyon sa paggawa
Napatutunayan na ang kasipagan na nakatuon sa disiplinado at produktibong gawain na naaayon sa itinakdang mithiin ay kailangan upang umunlad ang sariling pagkatao kapwa lipunan at bansa ang mga hirap pagod at pagdurusa ay nadadaig ng pagpupunyagi tungo sa pagtupad ng itinakdang mithiin
Nakagagawa ng chart ng pagsunod sa hakbang upang matupad ang itinakdang gawain nang may kasipagan at pagpupunyagi
Nakikilala ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan
Nakapagsusuri ng mga paglabag sa katarungang panlipunan ng mga tagapamahala at mamamayan
Napatutunayan na may pananagutan ang bawat mamamayan na ibigay sa kapwa ang nararapat sa kanya
Natutugunan ang pangangailangan ng kapwa o pamayanan sa mga angkop na pagkakataon
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pamamahala ng paggamit ng oras
Nakapagtatala sa journal ng mga pagkakataong napamahalaan ang oras
Napatutunayang ang pamamahala ng oras ay kailangan sa kaayusan ng paggawa upang magampanan ang mga tungkulin nang may prayoritisasyon prioritization
Natataya ang sariling kakayahan sa pamamahala sa oras batay sa pagsasagawa ng mga gawain na nasa kanyang iskedyul ng mga gawain
Natutukoy ang mga indikasyon na ang isang gawain o produkto ay mayroong kalidad o kagalingan sa paggawa
Nakabubuo ng mga hakbang upang ang isang gawain o produkto ay magkaroon ng kalidad o kagalingan sa paggawa
Naipaliliwanag na ang kagalingan sa paggawa at paglilingkod ay kailangan upang maiangat ang sarili mapaunlad ang ekonomiya ng bansa at mapasalamatan ang diyos sa mga talentong kanyang kaloob
Nakapagtatapos ng isang gawain o produkto na mayroong kalidad o kagalingan sa paggawa
Naipaliliwanag ang bawat pansariling salik sa pagpili ng kursong akademiko o teknikal bokasyonal negosyo o hanapbuhay
Nakikilala ang sariling talento kakayahan at hilig at naiuugnay ang mga ito sa pipiliing kursong akademiko o teknikal bokasyonal negosyo o hanapbuhay
Napatutunayan na ang pagiging tugma ng mga personal na salik sa mga pangangailangan requirements sa napiling kursong akademikobokasyonal o negosyo ay daan upang magkaroon ng makabuluhang hanapbuhay o negosyo at matiyak ang pagiging produktibo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa
Nakapagtatakda ng sariling tunguhin pagkatapos ng haiskul na naaayon sa taglay na mga talento pagpapahalaga tunguhin at katayuang ekonomiya
Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng personal na pahayag ng misyon sa buhay
Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng personal na pahayag ng misyon sa buhay
Napatutunayan na sa pamamagitan ng pagbuo ng personal na pahayag ng misyon sa buhaynagkakaroon ng malinaw na direksyon ang kurso o karera
Nakapagbubuo ng personal na pahayag ng misyon sa buhay
Natutukoy ang mga trabahong may mataas na lokal at global na demand
Nakikilala ang mga mapamimiliang kursong akademiko o teknikalbokasyonal negosyo o hanapbuhay na angkop sa sariling talento kakayahan at hilig
Napatutunayan na ang sapat updated and accurate na impormasyon tungkol sa mga trabahong kailangan sa pilipinas at sa ibang bansa ay makatutulong upang mapili at mapaghandaan ang kursong akademiko o teknikalbokasyonal na maaaring maging susi ng sariling tagumpay at ng pagunlad ng ekonomiya ng bansa
Nakabubuo ng profile ng mga trabahong mataas ang lokal at global na demand na angkop sa taglay na mga talento at kakayahan pagpapahalaga at tunguhin
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng sistematikong pagpili ng kursong akademiko o teknikalbokasyonal negosyo o hanapbuhay
Nakapagsusuri ng pagkakatugma ng mga pansariling salik sa lokal at global na demand upang makabuo ng pasya sa pipiliing kursong akademiko o teknikalbokasyonal negosyo o hanapbuhay
Napangangatwiranan namahalaga ang pagtutugma ng pansariling salik sa lokal at global na demand upang makamit ang mga itinakdang tunguhin tungo sa pagpapaunlad ng sarili at pakikibahagi sa lipunan
Nakapagpapasya ng kursong akademiko o teknikalbokasyonal negosyo o hanapbuhayna ayon sa sariling kagustuhan na angkop sa mga pansariling salik at lokal at global na demand
Nasusuri ang mga adhikaing nagbubunsod sa lipunang sibil upang kumilos tungo sa kabutihang panlahat