Competencies
|
Naipahihiwatig ang katanggap-tanggap na reaksiyon sa mga akmang sitwasyon (hindi pagtawa sa nasaktan na batang nadapa).
Nagkakaroon ng kamalayan sa damdamin ng iba.
Nakikilala at iginagalang ang pagkakaiba-iba ng tao: wika, kasarian, kaanyuan, kulay, kultura, (kasuotan, gawi, paniniwala), katayuan sa buhay, kakayahan.
Natutukoy na ang bawat pamilya ay nabibilang sa isang komunidad.
Natutukoy na ang paaralan ay isang mahalagang bahagi ng komunidad.
Nakikilala ang mga taong nakatutulong sa komunidad hal. guro, bombero, pulis, at iba pa.
Natutukoy ang iba’t ibang lugar sa komunidad.
Napananatiling malinis ang kapaligiran sa pamamagitan ng pagtulong sa mga simpleng gawain tulad ng pagwawalis ng bakuran, pagtapon ng basura sa tamang lalagyan at iba pa.
Naipakikita ang pagtulong at pangangalaga sa kapaligiran: pagdidilig ng mga halaman, pag-aalis ng mga damo at kalat, hindi pagsira ng halaman, pag-aalaga sa hayop.
Naikukuwento ang mga naging karanasan bilang kasapi ng komunidad.
Napagsisikapang matapos ang sinimulang gawain sa itinakdang oras.
Nakagagawa nang may kusa.
Nakagagawa nang nag-iisa.
Naisasagawa ang simpleng gawain nang maluwag sa kalooban (nakapagsesipilyo).
Nakasusunod sa mga utos at gawain nang maayos at maluwag sa kalooban.
Naipakikita nang kaaya-aya ang tamang gawain sa iba’t ibang sitwasyon.
Naipahahayag sa positibong paraan ang nararamdaman.
Nakapagliligpit lamang ng sariling gamit.
Nakasusunod sa mga itinakdang tuntunin at gawain (routines) sa paaralan at silid-aralan.
Nakapaghihintay ng kanyang pagkakataon.
Nakapagsasabi ng totoo sa magulang, nakatatanda at iba pang kasapi ng pamilya sa lahat ng pagkakataon
Napagbabalik/napagsasauli ng mga bagay na napulot
Nakahihingi ng pahintulot (paggamit ng bagay na pag aari ng ibang tao, pagpasok/paglabas ng silidaralan/tahanan)
Natatawag ang mga kalaro at ibang tao sa kanilang pangalan
Naipakikita ang pagiging tahimik at maayos sa pagkilos/ pagsunod sa seremonya gaya ng pagluhod/pagtayo/pagyuko, pag-awit kung nasa pook dalanginan
Naipakikita ang paggalang sa pambansang sagisag (watawat at pambansang awit): pagtayo nang tuwid na nakalagay ang kanang kamay sa dibdib habang umaawit at itinataas ang watawat
Naipakikita ang pagpapahalaga sa maayos na pakikipaglaro: pagiging mahinahon, pagsang-ayon sa pasiya ng nakararami/reperi, pagtanggap ng pagkatalo nang maluwag sa kalooban, pagtanggap ng pagkapanalo nang may kababaang loob
Nasasabi, nakikilala at naipakikita ang kahalagahan ng pakikibahagi (pagbabahagi ng pagkain, laruan, gamit)
Naipakikita ang kusang pagtulong sa panahon ng pangangailangan
Listen attentively and react during story reading
|