Ang Araling Panlipunan 8 – Mga Unang Kabihasnan sa Daigdig ay tumatalakay sa pinagmulan, pag-unlad, at ambag ng mga sinaunang sibilisasyon na umusbong sa mga lambak-ilog tulad ng Mesopotamia, Indus Valley, Huang Ho, at Egypt. Sinusuri nito ang epekto ng heograpiya sa pag-usbong ng mga imperyo at dinastiya, pati na rin ang kanilang mga sistema ng pamamahala gaya ng monarkiya at teokrasya. Kabilang din sa aralin ang mahahalagang kontribusyon tulad ng Cuneiform, Hieroglyphics, Code of Hammurabi, Pyramid, Ziggurat, Great Wall of China, at iba pang ambag sa kalakalan, relihiyon, sining, at sistema ng pagsulat. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng kasaysayan ng mga kabihasnang ito, mauunawaan ng mga mag-aaral ang pundasyon ng makabagong sibilisasyon at ang patuloy na epekto ng nakaraan sa kasalukuyang panahon.
Objective
Curriculum Information
Education Type
K to 12
Grade Level
Grade 8
Learning Area
Araling Panlipunan
Content/Topic
Ang Pagsisimula ng mga Kabihasnan sa Daigdig
Intended Users
Educators
Competencies
Naipapahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasiko sa pagunlad ng pandaigdigang kamalayan