Learning Material, Modules, Self Learning Module
|
ZIP
Published on 2023 June 14th
Description
Contents: 1. MTB-MLE 2: Quarter 1- Module 1: Pagbibigay ng Komento o Reaksiyon. 2. MTB-MLE 2: Quarter 1- Module 2: Mga Salitang Binubuo ng Maraming Pantig. 3. MTB-MLE 2: Quarter 1- Module 3: Pagtukoy at Paggamit ng Salitang Ngalan. 4. MTB-MLE 2: Quarter 1- Module 4: Pagpapahayag ng Sariling Kaisipan. 5.MTB-MLE 2: Quarter 1- Module 5: Pag-uuri ng Salitang Ngalan. 6. MTB-MLE 2: Quarter 1- Module 6:Mga Salitang Nilinang sa Kuwento. 7. MTB-MLE 2: Quarter 1- Module 7: Pagbasa ng Salitang may Kambal-katinig at Diptonggo. 8. MTB-MLE 2: Quarter 1- Module 8: Kasarian ng Pangngalan. 9. MTB-MLE 2: Quarter 1- Module 9:Pagbuo ng Bagong Salita Gamit ang Panlapi at Salitang-ugat. 10. MTB-MLE 2: Quarter 1- Module 10:Pangngalang Palansak o Lansakan. 11. MTB-MLE 2: Quarter 1- Module 11:Pagsulat ng Maliit at Malaking Letra sa Paraang Kabit-kabit. 12. MTB-MLE 2: Quarter 1- Module 12:Pagbasa ng mga Magkakaugnay na Salita. 13. MTB-MLE 2: Quarter 1- Module 13:Bahagi ng Pangungusap. 14. MTB-MLE 2: Quarter 1- Module 14:Pagsunod sa Panuto ng Pagsusulit. 15. MTB-MLE 2: Quarter 1- Module 15: Pagkilala sa Pagkakaiba ng Kuwento at Tula. 16. MTB-MLE 2: Quarter 1- Module 16: Pagtukoy at Paggamit ng Tambalang Salita. 17. MTB-MLE 2: Quarter 1- Module 17: Pagsasalita Tungkol sa Kilalang Tao, Lugar o Pangyayari Gamit ang Salitang Kilos at Salitang Naglalarawan. 18. MTB-MLE 2: Quarter 1- Module 18: Pagkakaiba ng Pangungusap sa Hindi Pangungusap. 19. MTB-MLE 2: Quarter 1- Module 19: Pangunahing Ideya. 20. MTB-MLE 2: Quarter 1- Module 20: Pagsulat ng Pangungusap na may Wastong Bantas. 21. MTB-MLE 2: Quarter 1- Module 21:Dinaglat na Salita. 22.MTB-MLE 2: Quarter 1- Module 22:Pagbubuod ng Kuwento.
Objective
1. Makapagpapakita ng kawilihan sa pakikinig, pagbabasa ng kuwento at makapagbibigay ng komento o reaksiyon.
2. Makababasa ng mga salitang binubuo ng maraming pantig.
3. Makatutukoy at makagagamit ng mga salitang ngalan sa pangungusap.
4. Makapagpapahayag ng iyong sariling kaisipan sa pamamagitan ng paggawa ng poster (hal. karakter profayl, mga balita, mga nawawalang gamit) gamit ang mga kuwento bilang lunsaran.
5. Makapag-uuri ng mga salitang ngalan ayon sa iba’t ibang kategorya-tao, bagay, hayop at lugar.
6. Makabubuo ng mga pangungusap gamit ang mga salitang nilinang sa kuwento sa makabuluhang konteksto.
7. Makababasa ng mga salitang may kambal-katinig at diptonggo.
8. Makatutukoy ng kasarian ng pangngalan.
9. Makabubuo ng bagong salita sa pamamagitan ng kombinasyon ng mga panlapi at salitang- ugat.
10. Makatutukoy at makagagamit ng pangngalang palansak o lansakan.
11. Makasusulat ng maliit at malaking letra sa paraang kabitkabit.
12. Makababasa ng mga magkakaugnay na salita.
13. Makakakilala ng bahagi ng pangungusap.
14. Makasusunod nang maayos sa isang pagsusulit.
15. Makagagamit ng unang kaalaman o karanasan sa pagkilala sa pagkakaiba ng kuwento at tula.
16. Makatutukoy at makagagamit ng mga tambalang salita sa pangungusap na angkop sa antas/baitang.
17. Makapagsasalita tungkol sa mga kilalalang tao, lugar o pangyayari gamit ang salitang nagsasaad ng kilos at salitang naglalarawan.
18. Makatutukoy ng pagkakaiba ng pangungusap sa hindi pangungusap. Ito ay maaari mo ring magamit sa makabuluhan at mabisang pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon.
19. Makapagbibigay ang pangunahing ideya sa kuwento/teksto.
20. Makasusulat ng mga pangungusap gamit ang wastong bantas.
21. Makikilala ang mga pangkaraniwang dinaglat na salita.
22. Maipakikita ang kawilihan sa pakikinig at pagbasa ng kuwento sa pamamagitan ng pagbibigay ng buod.
Curriculum Information
Education Type
K to 12
Grade Level
Grade 2
Learning Area
Mother Tongue
Content/Topic
Phonics and Word Recognition
Composing
Attitude Towards Reading
Intended Users
Educators, Learners
Competencies
Show love for reading by listening attentively during story reading and by making comments/reactions.