K to 12 Elementary Subject - Edukasyon sa Pagpapakatao - Gr. 10

Teacher's Guide, Curriculum Guide  |  PDF




Description
Curriculum Guide of K to 12 Elementary – Edukasyon sa Pagpapakatao Gr. 10
Objective

Curriculum Information

K to 12
Grade 10
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ang Moral na Pagkatao Ang Makataong Kilos Mga Pangunahing Birtud at Pagpapahalagang Moral Ang Aking Posisyon sa mga Isyung Moral Curriculum Guide Pagmamahal sa Bayan Pangangalaga sa Kalikasan
Educators
Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilosloob Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasya at nakagagawa ng mga kongkretong hakbang upamg malagpasan ang mga ito Napatutunayan na ang isip at kilosloob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkodpagmamahal Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal Natutukoy ang mga prinsipyo ng likas na batas moral Nakapagsusuri ng mga pasyang ginagawa sa arawaraw batay sa paghusga ng konsensya Napatutunayan na ang konsensyang nahubog batay sa likas na batas moral ay nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasya at pagkilos Nakagagawa ng angkop na kilos upang itama ang mga maling pasyang ginawa Naipaliliwanag ang tunay na kahulugan ng kalayaan Natutukoy ang mga pasya at kilos na tumutugon sa tunay na gamit ng kalayaan Napatutunayan na ang tunay na kalayaan ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod Nakagagawa ng angkop na kilos upang maisabuhay ang paggamit ng tunay na kalayaan tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod Nakapagpapaliwanag ng kahulugan ng dignidad ng tao Nakapagsusuri kung bakit ang kahirapan ay paglabag sa dignidad ng mga mahihirap at indigenous groups Naipatutunayan na nakabatay ang dignidad ng tao sa kanyang pagkabukodtangi hindi siya nauulit sa kasaysayan at sa pagkakawangis niya sa diyos may isip at kalooban Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita sa kapwang itinuturing na mababa ang sarili na siya ay bukodtangi dahil sa kanyang taglay na dignidad bilang tao Naipaliliwanag na may pagkukusa sa makataong kilos kung ito ay nagmumula sa kalooban na malayang isinagawa sa pagsubaybay ng isipkaalaman Natutukoy ang mga kilos na dapat panagutan Napatutunayan na gamit ang katwiran sinadya deliberate at niloob ng tao ang makataong kilos kaya ang kawastuhan o kamalian nito ay kanyang pananagutan Nakapagsusuri ng sariling kilos na dapat panagutan at nakagagawa ng paraan upang maging mapanagutan sa pagkilos Naipaliliwanag ang bawat salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kilos at pasya Nakapagsusuri ng isang sitwasyong nakaaapekto sa pagkukusa sa kilos dahil sa kamangmangan masidhing damdamin takot karahasan gawi Napatutunayan na nakaaapekto ang kamangmangan masidhing damdamin takot karahasan at ugali sa pananagutan ng tao sa kalalabasan ng kanyang mga pasya at kilos dahil maaaring mawala ang pagkukusa sa kilos Nakapagsusuri ng sarili batay sa mga salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kilos at pasya at nakagagawa ng mga hakbang upang mahubog ang kanyang kakayahan sa pagpapasya Naipaliliwanag ang bawat yugto ng makataong kilos Natutukoy ang mga kilos na at pasyang nagawa na umaayon sa bawat yugto ng makataong kilos Naipaliliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng kahalagahan ng deliberasyon ng isip at kilosloob sa paggawa ng moral na pasya at kilos Nakapagsusuri ng sariling kilos at pasya batay sa mga yugto ng makataong kilos at nakagagawa ng plano upang maitama ang kilos o pasya Naipaliliwanag ng magaaral ang layunin paraan at mga sirkumstansya ng makataong kilos Nakapagsusuri ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasya o kilos sa isang sitwasyon batay sa layunin paraan at sirkumstansya nito Napatutunayan na ang layunin paraan at sirkumstansya ay nagtatakda ng pagkamabuti o pagkamasama ng kilos ng tao Nakapagtataya ng kabutihan o kasamaan ng pasya o kilos sa isang sitwasyon na may dilemma batay sa layunin paraan at sirkumstansya nito Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pananampalataya pagmamahal ng diyos sa tao at paggalang sa buhay Natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong ang pagpapahalaga sa pananampalataya pagmamahal sa diyos at paggalang sa buhay sa kongretong pangyayari sa buhay Napatutunayan na ang pagkilala sa kadakilaan at kapangyarihan ng diyos ay pagkilala sa dignidad kalikasan ng tao at paggalang sa buhay na binigay niya Nakapagsasabuhay ng paraan ng pagpapaunlad ng pananampalataya pagmamahal ng diyos at paggalang sa buhay Natutukoy ang mga taong may awtoridad na dapat igalang Naiuugnay ang mapanagutang paggamit ng materyal na gamit sa paggalang sa awtoridad Napatutunayan na itinakda ang awtoridad bilang kapangyarihang ipinagkaloob sa tao o pangkat upang magkaroon ng kaayusan kaunlaran at isulong ang kabutihang panlahat Nakabubuo ng mga hakbang upang maging mapanagutan sa paggamit ng materyal na bagay bilang paggalang sa awtoridad Napatutunayan na layon ng bawat tao na tuklasin ang katotohanan Natutukoy ang kaugnayan ng pagtuklas ng katotohanan sa paggalang sa dignidad at sekswalidad Naipaliliwanag na ang pagkilala sa dignidad at sekswalidad ng tao ay pagkailala sa kabuuan ng pagkatao Nakagagawa ng plano upang mapaunlad ang paggalang sa sariling dignidad at sekswalidad Natutukoy ang mga gawaing taliwas sa batas ng diyos at sa kasagraduhan ng buhay Nasusuri ang mga gawaing taliwas sa batas ng diyos at sa kasagraduhan ng buhay Napatutunayan na ang pagbuo ng mapaninindigang posisyon tungkol sa mga isyung may kinalaman sa mga gawaing taliwas sa batas ng diyos at sa kasagraduhan ng buhay ay kailangan upang mapatibay ang ating pagkilala sa kanyang kadakilaan at kapangyarihan at kahalagahan ng tao bilang nilalang ng diyos Nakagagawa ng sariling pahayag tungkol sa mga gawaing taliwas sa batas ng diyos at sa kasagraduhan ng buhay Nakapagpaliwanag ng kahalagahan ng paggalang sa buhay Natutukoy ang mga paglabag sa paggalang sa buhay Napangatwiran na :mahalaga ang buhay kung wala ang buhay,hindi mapahalagahan ang mataas na pagpapahalaga kaysa buhay;di makakamit ang higit na mahalaga kaysa buhay. Nakakagawa ng angkop na kilos upang maipamalas ang paggalang sa buhay
hal:maituwid ng "culture of death" na umiiral sa lipunan Nakapagpapaliwanag ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan(patriyotismo) Natutukoy ang mga paglabag sa pagmamahal sa bayan(patriyotismo) na umiiral sa lipunan Napapangatwiranan na:nakaugat ang pagkakakilanlan ng tao sa pagmamahal sa bayan .
("hindi ka global citizen pag di ka mamamayan .") Nakagagawa ng angkop na kilos upang maipamalas ang pagmamahal sa bayan
(patriyotismo) Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan Natutukoy ang mga paglabag sa pangangalaga sa kalikasan na umiiral sa lipunan Napangatwiranan na :
a.lahat tayo ay mamamayan ng iisang mundo,dahil nabuubuhay tayo sa iisang kalikasan(mother nature)
b.inutusan tayo ng diyos na alagaan ang kalikasan (stewards) at hindi maging tagapagdomina para sa susunod na henerasyon .
c.binubuhay tayo sa kalikasan Natutukoy ang mga isyu na kaugnay sa paggamit ng kapangyarihan st pangangalaga sa kapaligiran Nasusuri ang mga isyu na kaugnay sa paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kapaligiran Naipapaliwanag na ang pagkakaroon ng kaayusan,kaunlaran at maisusulong ang kabutihang panlahat kung ang lahat ng tao ay may paninindigan sa tamang paaggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kapaligiran . Nakakagawa ng posisiyon tungkol sa isang isyu sa paggamit ng kapangyarihan o pangangalaga sa kapaligiran. Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad sa sekwalidad Nasusuri ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at sekwalidad Napangtwiranan na:
makatutulong sa pagkakarooon ng posisiyon tungkol sa kahalagahan ng paggalang sa pagkatao ng tao at sa tunay na layunin nito ang kaalaman sa mga isyung may kinalaman sa kawalan ng paggalang sa dignidad at sekswalidad ng tao Nakakagawa ng malinaw na posisyon tungkol sa isang isyu sa kawalan ng paggalang sa dignidad at
sekswalidad Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalann ng paggalang sa katotohanan Nasusuri ang mga isyung may kinalaman sa kawalan ng paggalang sa katotohanan Napapatunayang ang pagiging mulat sa mga isyu tungkol sa kawalan ng paggalang sa katotohanan ay daan upang isulong at isabuhay ang pagiging mapanagutan at tapat na nilalan. Nakabuo ng mga hakbang upang maisabuhay ang paggalang sa katotohanan

Copyright Information

Yes
Department Of Education
Use, Copy, Print

Technical Information

2.12 MB
application/pdf