Curriculum Guide of K to 12 Elementary – Edukasyon sa Pagpapakatao Gr.1-10
Objective
Curriculum Information
Education Type
K to 12
Grade Level
Grade 8
Learning Area
Edukasyon sa Pagpapakatao
Content/Topic
Ang Pamilya Bilang Ugat ng Pakikipagkapwa
Ang Pakikipagkapwa
Mga Pagpapahalaga at Birtud sa Pakikipagkapwa
Mga Isyu sa Pakikipagkapwa
Curriculum Guide
Intended Users
Educators
Competencies
Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o may positibong impluwensya sa sarili
Nasusuri ang pagiral ng pagmamahalan pagtutulungan at pananampalataya sa isang pamilyang nakasama namasid o napanood
Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang pakikipagkapwa
Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya
Nakikilala ang mga gawi o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng pagbibigay ng edukasyon paggabay sa pagpapasya at paghubog ng pananampalataya
Nasusuri ang mga banta sa pamilyang pilipino sa pagbibigay ng edukasyon paggabay sa pagpapasya at paghubog ng pananampalataya
Naipaliliwanag na may pananagutan ang mga magulang na bigyan ng maayos na edukasyon ang kanilang mga anak gabayan sa pagpapasya at hubugin sa pananampalataya at ang karapatan at tungkulin ng mga magulang na magbigay ng edukasyon ang bukodtangi at pinakamahalagang gampanin ng mga magulang
Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga gawi sa pagaaral at pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya
Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya o pamilyang nakasama namasid o napanood na nagpapatunay ng pagkakaroon o kawalan ng bukas na komunikasyon
Nabibigyangpuna ang uri ng komunikasyon na umiiral sa isang pamilyang nakasama namasid o napanood
Nahihinuha na ang bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak ay nagbibigaydaan sa mabuting ugnayan ng pamilya sa kapwa ang pagunawa at pagiging sensitibo sa pasalita dipasalita at virtual na uri ng komunikasyon ay nakapagpapaunlad ng pakikipagkapwa ang pagunawa sa limang antas ng komunikasyon ay makatutulong sa angkop at maayos na pakikipagugnayan sa kapwa
Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagkakaroon at pagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya
Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan papel na panlipunan at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan papel na pampolitikal
Nasusuri ang isang halimbawa ng pamilyang ginagampanan ang papel na panlipunan at pampulitikal nito
Nahihinuha na may pananagutan ang pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan sa pamamagitan ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan papel na panlipunan at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan papel na pampolitikal
Naisasagawa ang isang gawaing angkop sa papel na panlipunan at pampolitikal ng pamilya
Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kapwa at kahalagahan ng pagpapaunlad ng pakikipagugnayan sa kapwa
Nasusuri ang mga impluwensya ng kanyang kapwa sa kanya sa aspetong intelektwal panlipunan pangkabuhayan at politikal
Nahihinuha na ang ang tao ay likas na panlipunang nilalang kayat nakikipagugnayan siya sa kanyang kapwa upang malinang siya sa aspetong intelektwal panlipunan pangkabuhayan at politikalang birtud ng katarungan justice at pagmamahal charity ay kailangan sa pagpapatatag ng pakikipagkapwa ang pagiging ganap niyang tao ay matatamo sa paglilingkod sa kapwa ang tunay na indikasyon ng pagmamahal
Naisasagawa ang isang gawaing tutugon sa pangangailangan ng mga magaaral o kabataan sa paaralan o pamayanan sa aspetong intelektwal panlipunan pangkabuhayan o politikal
Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kaibigan at ang mga natutuhan niya mula sa mga ito
Nasusuri ang kanyang mga pakikipagkaibigan batay sa tatlong uri ng pakikipagkaibigan ayon kay aristotle
Nahihinuha na ang ang pakikipagkaibigan ay nakatutulong sa paghubog ng matatag na pagkakakilanlan at pakikisalamuha sa lipunan maraming kabutihang naidudulot ang pagpapanatili ng mabuting pakikipagkaibigan ang pagpapatawad ay palatandaan ng pakikipagkaibigang batay sa kabutihan at pagmamahal
Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang pakikipagkaibigan
Natutukoy ang magiging epekto sa kilos at pagpapasya ng wasto at hindi wastong pamamahala ng pangunahing emosyon
Nasusuri kung paano naiimpluwensyahan ng isang emosyon ang pagpapasya sa isang sitwasyon na may krisis suliranin o pagkalito
Napangangatwiranan na ang pamamahala ng emosyon sa pamamagitan ng pagtataglay ng mga birtud ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapwa ang katatagan fortitude at kahinahunan prudence ay nakatutulong upang harapin ang matinding pagkamuhi matinding kalungkutan takot at galit
Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapamahalaan nang wasto ang emosyon
Natutukoy ang kahalagahan ng pagiging mapanagutang lider at tagasunod
Nasusuri ang katangian ng mapanagutang lider at tagasunod na nakasama namasid o napanood
Nahihinuha na ang pagganap ng tao sa kanyang gampanin bilang lider at tagasunod ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa mapanagutang pakikipagugnayan sa kapwa at makabuluhang buhay sa lipunan
Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang kakayahang maging mapanagutang lider at tagasunod
Natutukoy ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihangloob ng kapwa at mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat
Nasusuri ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng pasasalamat o kawalan nito
Napatutunayan na ang pagiginig mapagpasalamat ay ang pagkilala na ang maraming bagay na napapasaiyo at malaking bahagi ng iyong pagkatao ay nagmula sa kapwa na sa kahulihulihan ay biyaya ng diyos
Naisasagawa ang mga angkop na kilos ng pasasalamat
Nakikilala ang mga paraan ng pagpapakita ng paggalang na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal bunga ng hindi pagpapamalas ng pagsunod at paggalang sa magulang nakatatanda at may awtoridad
Nasusuri ang mga umiiral na paglabag sa paggalang sa magulang nakatatanda at may awtoridad
Nahihinuha na ang pagsunod at paggalang sa mga magulang nakatatanda at may awtoridad ay dapat gawin dahil sa pagmamahal sa malalim na pananagutan at sa pagkilala sa kanilang awtoridad na hubugin bantayan at paunlarin ang mga pagpapahalaga ng kabataan
Naisasagawa ang mga angkop na kilos ng pagsunod at paggalang sa mga magulang nakatatanda at may awtoridad at nakaiimpluwensiya sa kapwa kabataan na maipamalas ang mga ito
Nagugunita ang mga kabutihang ginawa niya sa kapwa
Naipaliliwanag na dahil sa paglalayong gawing kaayaaya ang buhay para sa kapwa at makapagbigay ng inspirasyon na tularan ng iba ang paggawa ng kabutihan sa kapwa ay ginagawa nang buongpuso tumutugon sa kagustuhan ng diyos na maglingkod sa kapwa nang walang kapalit at may pagsasakripisyo para sa kapakanan ng iba
Naisasagawa ang mga angkop na kilos sa isang mabuting gawaing tumutugon sa pangangailangan ng kapwa
Nakikilala ang a kahalagahan ng katapatan b mga paraan ng pagpapakita ng katapatan at c bunga ng hindi pagpapamalas ng katapatan
Nasusuri ang mga umiiral na paglabag ng mga kabataan sa katapatan
Naipaliliwanag na ang pagiging tapat sa salita at gawa ay pagpapatunay ng pagkakaroon ng komitment sa katotohanan at ng mabuti matatag na konsensya ito ay may layuning maibigay sa kapwa ang nararapat para sa kanya gabay ang diwa ng pagmamahal
Naisasagawa ang mga mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng katapatan sa salita at gawa
Natutukoy ang tamang pagpaqpakahulugan sa sekswalidad
Nasusuri ang ilang napapanahong isyu ayon sa tamang pananaw sa sekswalidad
Nahihinuha na ang pagkakaroon ng tamang pananaw sa sekswalidad ay mahalaga para sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay ng isang nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya sa kanyang bokasyon na magmahal ang pagaasawa o ang pagaalay sa sarili sa paglilingkod sa diyos
Naisasagawa ang tamang kilos tungo sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay bilang nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya ng kanyang bokasyon na magmahal
Nakikilala ang mga uri sanhi at epekto ng mga umiiral na karahasan sa paaralan
Nasusuri ang mga aspekto ng pagmamahal sa sarili at pagmamahal sa kapwa na kailangan upang maiwasan at tugunan ang karahasan sa paaralan
Naipaliliwanag na ang pagiwas sa anomang uri ng karahasan sa paaralan at ang aktibong pakikisangkot upang masupil ito ay patunay ng pagmamahal sa sarili at kapwa at paggalang sa buhay may tungkulin ang tao kaugnay sa buhay ang ingatan ang kanyang sarili at umiwas sa kamatayan o sitwasyong maglalagay sa kanya sa panganib
Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang maiwasan at masupil ang mga karahasan sa kanyang paaralan
Natutukoy ang kahulugan ng agwat teknolohikal
Nasusuri ang pagkakaibaiba ng mga henerasyon sa pananaw sa teknolohiya at implikasyon ng pagkakaroon at di pagkakaroon ng access sa teknolohiya
Nahihinuha na ang pagunawa sa pagkakaiba ng mga henerasyon sa pananaw sa teknolohiya ay makatutulong sa pagpapaunlad ng pakikipagugnayan sa kapwa at ang pagunawa sa konsepto ng agwat teknolohikal ay mahalaga sa pagsusulong ng moral na karapatan ng tao sa pantay na oportunidad kaugnay ng pagpapaunlad ng antas ng kanyang pamumuhay
Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang makatugon sa hamon ng agwat teknolohikal
Natutukoy ang mga epekto ng migrasyon sa pamilyang pilipino
Nasusuri ang mga sanhi ng migrasyon sa pamilyang pilipino
Nahihinuha na ang banta ng migrasyon sa pamilyang pilipino ay mapagtatagumpayan sa tulong ng pagpapatatag ng pagmamahalan sa pamilya at paghubog ng pagkatao ng bawat miyembro nito
Naisasagawa ang mga angkop at konkretong hakbang sa pagiging handa sa mga epekto ng migrasyon sa pamilyang pilipino