Curriculum Guide of K to 12 Elementary – Edukasyon sa Pagpapakatao Gr.1-10
Objective
Curriculum Information
Education Type
K to 12
Grade Level
Grade 7
Learning Area
Edukasyon sa Pagpapakatao
Content/Topic
Pagkilala at Pamamahala sa mga Pagbabago sa Sarili
Ang Pagkatao ng Tao
Ang Pagpapahalaga at Birtud
Ang Pagtatakda ng Mithiin at Pagpapasiya
Curriculum Guide
Intended Users
Educators
Competencies
Naipaliliwanag na ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalagapagbibinata
Naisasagawa ang mga angkop na hakbang tungo sa paglinang ng limang inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga pagbibinata
Natutukoy ang kaugnayan ng pagpapaunlad ng mga hilig sa pagpili ng kursong akademiko o teknikalbokasyonal negosyo o hanapbuhay
Nakasusuri ng mga sariling hilig ayon sa larangan at tuon ng mga ito
Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng mga hilig ay makatutulong sa pagtupad ng mga tungkulin paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon kursong akademiko o teknikalbokasyonal negosyo o hanapbuhay pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa pamayanan
Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng kanyang mga hilig
Natutukoy ang kanyang mga tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga nagbibinata
Natataya ang kanyang mga kilos tungo sa maayos na pagtupad ng kanyang mga tungkulin bilang nagdadalaga nagbibinata
Napatutunayan na ang pagunawa ng kabataan sa kanyang mga tungkulin sa sarili bilang anak kapatid magaaral mamamayan mananampalataya kosyumer ng media at bilang tagapangalaga ng kalikasan ay isang paraan upang maging mapanagutan bilang paghahanda sa susunod na yugto ng buhay
Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa maayos na pagtupad ng kanyang mga tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaganagbibinata
Natutukoy ang mga katangian gamit at tunguhin ng isip at kilosloob
Nasusuri ang isang pasyang ginawa batay sa gamit at tunguhin ng isip at kilosloob
Naipaliliwanag na ang isip at kilosloob ang nagpapabukodtangi sa tao kaya ang kanyang mga pagpapasiya ay dapat patungo sa katotohanan at kabutihan
Naisasagawa ang pagbuo ng angkop na pagpapasiya tungo sa katotohanan at kabutihan gamit ang isip at kilosloob
Nakikilala na natatangi sa tao ang likas na batas moral dahil ang pagtungo sa kabutihan ay may kamalayan at kalayaan ang unang prinsipyo nito ay likas sa tao na dapat gawin ang mabuti at iwasan ang masama
Nailalapat ang wastong paraan upang baguhin ang mga pasya at kilos na taliwas sa unang prinsipyo ng likas na batas moral
Nahihinuha na nalalaman agad ng tao ang mabuti at masama sa kongkretong sitwasyon batay sa sinasabi ng konsensya ito ang likas na batas moral na itinanim ng diyos sa isip at puso ng tao
Nakabubuo ng tamang pangangatwiran batay sa likas na batas moral upang magkaroon ng angkop na pagpapasya at kilos arawaraw
Nakikilala ang mga indikasyon palatandaan ng pagkakaroon o kawalan ng kalayaan
Nasusuri kung nakikita sa mga gawi ng kabataan ang kalayaan
Nahihinuha na likas sa tao ang malayang pagpili sa mabuti o sa masama ngunit ang kalayaan ay may kakambal na pananagutan para sa kabutihan
Naisasagawa ang pagbuo ng mga hakbang upang baguhin o paunlarin ang kaniyang paggamit ng kalayaan
Nakikilala na may dignidad ang bawat tao anoman ang kanyang kalagayang panlipunan kulay lahi edukasyon relihiyon at iba pa
Nakabubuo ng mga paraan upang mahalin ang sarili at kapwa na may pagpapahalaga sa dignidad ng tao
Napatutunayan na ang a paggalang sa dignidad ng tao ay ang nagsisilbing daan upang mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili at b ang paggalang sa dignidad ng tao ay nagmumula sa pagiging pantay at magkapareho nilang tao
Naisasagawa ang mga konkretong paraan upang ipakita ang paggalang at pagmamalasakit sa mga taong kapuspalad o higit na nangangailangan kaysa sa kanila
Nakikilala ang pagkakaiba at pagkakaugnay ng birtud at pagpapahalaga
Natutukoy a ang mga birtud at pagpapahalaga na isasabuhay at b ang mga tiyak na kilos na ilalapat sa pagsasabuhay ng mga ito
Napatutunayan na ang paulitulit na pagsasabuhay ng mga mabuting gawi batay sa mga moral na pagpapahalaga ay patungo sa paghubog ng mga birtud acquired virtues
Naisasagawa ang pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga at birtud na magpapaunlad ng kanyang buhay bilang nagdadalaganagbibinata
Natutukoy ang ibat ibang antas ng pagpapahalaga at ang mga halimbawa ng mga ito
Nakagagawa ng hagdan ng sariling pagpapahalaga batay sa hirarkiya ng mga pagpapahalaga ni max scheler
Napatutunayang ang piniling uri ng pagpapahalaga batay sa hirarkiya ng mga pagpapahalaga ay gabay sa makatotohanang pagunlad ng ating pagkatao
Naisasagawa ang paglalapat ng mga tiyak na hakbang upang mapataas ang antas ng kaniyang mga pagpapahalaga
Nakikilala ang mga panloob na salik na nakaiimpluwensya sa paghubog ng mga pagpapahalaga
Nasusuri ang isang kilos batay sa isang panloob na salik na nakaiimpluwensya sa paghubog ng mga pagpapahalaga
Nahihinuha na ang paglalapat ng mga panloob na salik sa pangarawaraw na buhay ay gabay sa paggawa ng mapanagutang pasiya at kilos
Naisasagawa ang paglalapat ng mga hakbang sa pagpapaunlad ng mga panloob na salik na nakaiimpluwensya sa paghubog ng mga pagpapahalaga
Naiisaisa ang mga panlabas na salik na nakaiimpluwensya sa paghubog ng mga pagpapahalaga
Nasusuri ang isang kilos o gawi batay sa impluwensya ng isang panlabas na salik na nakaiimpluwensya sa paghubog ng pagpapahalaga sa kilos o gawi na ito
Napatutunayan na ang pagunawa sa mga panlabas na salik na nakaiimpluwensya sa paghubog ng mga pagpapahalaga ay nakatutulong upang maging mapanuri at mapanindigan ang tamang pasya at kilos sa gitna ng mga nagtutunggaliang impluwensya
Naisasagawa ang pagiging mapanuri at mapanindigan sa mga pasya at kilos sa gitna ng mga nagtutunggaliang impluwensya ng mga panlabas na salik na nakaiimpluwensya sa paghubog ng mga pagpapahalaga
Nakikilala na ang mga pangarap ay batayan ng kaniyang mga pagpupunyagi tungo sa makabuluhan at maligayang buhay
Nakapagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin upang magkaroon ng tamang direksyon sa buhay at matupad ang mga pangarap
Nahihinuha na ang pagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin ay nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasiya upang magkaroon ng tamang direksyon sa buhay at matupad ang mga pangarap
Naisasagawa ang paglalapat ng pansariling plano sa pagtupad ng mga pangarap
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng makabuluhang pagpapasiya sa uri ng buhay
Nasusuri ang ginawang personal na pahayag ng misyon sa buhay kung ito ay may pagsasaalangalang sa tama at matuwid na pagpapasiya
Nahihinuha na ang pagbuo ng ng personal na pahayag ng misyon sa buhay ay gabay sa tamang pagpapasiya upang magkaroon ng tamang direksyon sa buhay at matupad ang mga pangarap
Naisasagawa ang pagbuo ng pahayag ng layunin sa buhay batay sa mga hakbang sa mabuting pagpapasya
Natutukoy ang mga personal na salik na kailangang paunlarin kaugnay ng pagpaplano ng kursong akademiko o teknikalbokasyonal negosyo o hanapbuhay
Natatanggap ang kawalan o pagkukulang sa mga personal na salik na kailangan sa pinaplanong kursong akademiko o teknikalbokasyonal negosyo o hanapbuhay
Naipaliliwanag na mahalaga ang pagtutugma ng mga personal na salik sa mga pangangailangan requirements sa pinaplanong kursong akademiko o teknikalbokasyonal negosyo o hanapbuhay ay daan upang magkaroon ng makabuluhang negosyo o hanapbuhay at matiyak ang pagiging produktibo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa
Naisasagawa ang pagtatakda ng mithiin gamit ang goal setting at action planning chart
Nakikilala ang a mga kahalagahan ng pagaaral sa paghahanda sa pagnenegosyo at paghahanapbuhay at ang b mga hakbang sa paggawa ng career plan
Natutukoy ang mga sariling kalakasan at kahinaan at nakapagbabalangkas ng mga hakbang upang magamit ang mga kalakasan sa ikabubuti at malagpasan ang mga kahinaan
Naipaliliwanag na sa pagaaral nalilinang ang mga kasanayan pagpapahalaga talento at mga kakayahan na makatutulong sa pagtatagumpay sa pinaplanong negosyo o hanapbuhay
Naisasagawa ang plano ng paghahanda para sa minimithing kursong akademiko o teknikalbokasyonal negosyo o hanapbuhay batay sa pamantayan sa pagbuo ng career plan