Competencies
|
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga
napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa
radyo, talumpati, at mga panayam
Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng
mga konseptong pangwika
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga
napanood na sitwasyong pang komunikasyon sa
telebisyon (halimbawa: tonight with arnold clavio,
state of the nation, mareng winnie,word of the
lourd (http://lourddeveyra.blogspot.com))
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa
sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan
Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya
(facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga
konseptong pangwika
. nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong
gamit ng wika sa lipunan (ayon kay m. a. k.
halliday)
Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan
sa pamamagitan ng napanood na palabas sa
telebisyon at pelikula (halimbawa: be careful with
my heart, got to believe, ekstra, on the job, word
Naipaliliwanag nang pasalita ang gamit ng wika sa
lipunan sa pamamagitan ng mga pagbibigay
halimbawa
Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon
na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan
. nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa
mga napakinggang pagtalakay sa wikang pambansa
Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang awtor sa
isinulat na kasaysayan ng wika
. natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari /
kaganapan tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng
wikang pambansa
. nakasusulat ng sanaysay na tumatalunton sa isang
partikular na yugto ng kasaysayan ng wikang
pambansa
Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga
pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng
wikang pambansa
Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang
panayam tungkol sa aspektong kultural o
lingguwistiko ng napiling komunidad
Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa
mga napakinggang pahayag mula sa mga panayam
at balita sa radyo at telebisyon
Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa
nabasang pahayag mula sa mga blog, social media posts at iba pa
Nasusuri at naisasaalang-alang ang mga
lingguwistiko at kultural na pagkakaiba-iba sa
lipunang pilipino sa mga pelikula at dulang
napanood
Naipapaliwanag nang pasalita ang iba’t ibang
dahilan, anyo, at pamaraan ng paggamit ng wika
sa iba’t ibang sitwasyon
Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga
kalagayang pangwika sa kulturang pilipino
Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng
wika na ginagamit sa iba’t ibang sitwasyon
(halimbawa: medisina, abogasya, media, social
media, enhinyerya, negosyo, at iba pa) sa
pamamagitan ng pagtatala ng mga terminong ginamit sa mga larangang ito
Nakagagawa ng pag-aaral gamit ang social media
sa pagsusuri at pagsulat ng mga tekstong
nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon ng paggamit
sa wika
Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap
ayon sa konteksto ng paksang napakinggan sa mga
balita sa radyo at telebisyon
. nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit
sa talakayan
. napipili ang angkop na mga salita at paraan ng
paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa
kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan
Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa
paggamit ng mga salita at paraan ng pagsasalita
Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa
iba’t ibang paraan ng paggamit ng wika ng iba’t
ibang grupong sosyal at kultural sa pilipinas
Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa
wika at kulturang pilipino
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang
makabuluhang pananaliksik
Nagagamit ang angkop na mga salita at
pangungusap upang mapag-ugnay-ugnay ang mga
ideya sa isang sulatin
Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa
mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa
Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa
mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa.
|