Ang Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino 5 sa unang kawarter ay tumatalakay sa Pangngalan at Panghalip kasama ang pag-unawa at pagpapahalaga sa sarili at kapaligiran, pagpapakita ng kagandahang loob, kapatapan at malasakit sa kapwa, pakikinig sa tagubilin at pagsunod sa magulang, kahalagahan ng pagbabasa, pagpapaunlad at pagpapayaman sa wikang Filipino, paggalang at pakikiisa sa mga tungkulin sa kapwa at pamayanan, paggalang sa ideya, damdamin at kultura ng mga Antipoleno, pagmamahal sa sariling bayan at pangngangalaga sa likas na yaman
Objective
>Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at pagpapahalaga sa panitikan at kultura sa pamamagitan ng ibat-ibang teksto/babasahing lokal at pambansa
>Naipapakita ang taglay na kagandahang loob sa kapwa
>Nakilala ang dami ng pangngalan at naipakita ang kahalagahan sa paggamit nito sa pagbuo ng isang patalastas
>Naipapakita ang katapatan at malasakit sa kapwa
>Naipamamalas ang paggalang sa ideya, damdamin at kultura ng mga mamamayan sa Antipolo
>Naipakikita ang nakukuha sa pagbabasa
>Magamit ang panghalip panao sa pagitan ng taong nagsasalita, taong kausap at taong pinag-uusapan