Ang produksiyon ay ang proseso ng paglikha ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ito ay nakabatay sa apat na pangunahing salik: lupa, na pinagkukunan ng likas na yaman; paggawa, na tumutukoy sa lakas at talino ng mga manggagawa; kapital, na kinabibilangan ng makinarya, kagamitan, at puhunan; at entrepreneurship, na siyang nag-oorganisa at nagpapasimula ng negosyo. Sa pamamagitan ng epektibong paggamit ng mga salik na ito, nagkakaroon ng efficiency sa produksyon, na maaaring mapabilis sa tulong ng mekanisasyon at automation. Ang tamang pagpaplano at paggamit ng supply chain ay mahalaga upang matiyak ang mataas na kalidad ng produkto at sapat na suplay sa pamilihan, na nag-aambag sa paglago ng ekonomiya at pag-unlad ng isang bansa.
Objective
Curriculum Information
Education Type
K to 12
Grade Level
Grade 9
Learning Area
Araling Panlipunan
Content/Topic
Kahulugan ng Ekonomiks
Intended Users
Educators
Competencies
Napahahalagahan ang mga salik ng produksyon at ang implikasyon nito sa pang araw araw na pamumuhay