Ang isang lokal na pamahalaan o pamahalaang pampook (Ingles: local government) ay isang uri ng pampublikong pangangasiwa na, sa nakararaming mga konteksto, umiiral bilang pinakamababang antas ng pangasiwaan sa loob ng isang estado. Ginagamit ang termino upang ihambing sa mga tanggapan sa antas ng estado, na tinutukoy bilang pamahalaang sentral, pamahalaang pambansa, o (kung naaangkop) pamahalaang pederal at gayon din sa pamahalaang supranasyonal na tungkol sa mga institusyong pampamahalaan sa pagitan ng mga estado. Pangkalahatang kumikilos ang mga lokál na pamahalaan sa mga kapangyarihang ipinagkatiwala sa kanila ng batas o mga direktiba ng mas mataas na antas ng pamahalaan. Sa mga bansang pederal, karaniwang binubuo ang lokál na pamahalaan ang ikatlo (o minsang ikaapat) na antas ng pamahalaan, samantalang sa mga pinag-isang estado (unitary state), karaniwang nasa ikalawa o ikatlong antas ng pamahalaan ang lokál na pamahalaan, kadalasang may higit na kapangyarihan kaysa mas mataas na antas ng mga dibisyong pampangasiwaan.
Objective
Curriculum Information
Education Type
K to 12
Grade Level
Grade 4
Learning Area
Araling Panlipunan
Content/Topic
Ang Pamamahala Sa Aking Bansa
Intended Users
Learners
Competencies
Nasusuri ang iba’t ibang paraan ng pagtutulungan ng pamahalaang pambayan, pamahalaang panlalawigan at iba pang tagapaglingkod ng pamayanan