Ang Modyul na ito ay gabay sa inyong pagkatuto sa paglinang ng inyong kaalaman at kakayahan sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao. Ang mga gawain, kaalaman at mga kasanayang nakapaloob sa modyul na ito ay maayos na binuo upang maunawaan at maisagawa nang maayos ang hinihiling na gawain upang lalong mapabuti ang inyong pag-aaral at matutunan ang pagiging mapanuri.
Objective
Layunin ng Modyul na ito na tulungan at turuan ka upang maaari mong masusuri ang mabuti at di-mabuting maidudulot sa inyong sarili at kapwa ang mga binabasang pahayagan, pinapanood sa telebisyon, sa kompyuter/cellphone at pinapakinggan sa radio.
Taglay din ng modyul na ito ang mga sasagutang Pretest, mga Discussion at Enrichment Activities, Application, Assessment at iba pang mga karagdagang gawain. Basahin at unawain ang mga nilalaman ng aralin. Ang mga ito ay magbibigay sa iyo ng kaalaman upang makamit ang layunin ng aralin.
Curriculum Information
Education Type
K to 12
Grade Level
Grade 5
Learning Area
Edukasyon sa Pagpapakatao
Content/Topic
Pakikipagkapwatao
Intended Users
Learners
Competencies
Nagagampanan nang buong husay ang anumang tungkulin sa programa o proyekto gamit ang anumang teknolohiya sa paaralan