Ang Tunog at Bigkas- Sanayang Aklat sa Panimulang Pagbasa ay inihanda ng
mga piling guro at Tagamasid Pansangay sa Filipino ng Sangay ng Lungsod ng Tagum
bilang gabay sa ating mga mag-aaral na di-makabasa.
Ang kalinangan sa panimulang pagbasa ay sisimulan sa pagtuturo ng tunog
ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga letra ng Marungko o Marungko Approach,
pagpares-pares ng mga tunog upang makabuo ng silaba o pagpapantig hanggang
sa pagbuo ng mga salita.