AARANGKADA ANG MGA BATA SA KAKAYAHAN AT DAMDAMIN (ABaKaDa)

Learning Material, Teacher's Guide, Activity Sheets  |  PDF


Published on 2020 January 8th

Description
Ang kagamitang panturo na ito ay naglalayon na magbigay-daan upang mas lalong maging epektibo ang pagtuturo ng mga guro sa Kindergarten. Aarangkada ang mga bata kapag nilaro nila ang mga larong nakalarawan dito kaya't magiging makabuluhan ang antas Kinder para sa kanila. Mapapalawig ang kanilang kakayahan at damdamin habang natututo ng mga aralin at nagagalak sa kasiyahang dulot ng paglalaro. Gayun pa man, hindi lamang ang pagpapalawig ng kaalaman o antas ng pagkatuto ang dapat tingnan ng mga guro na gagamit nito. Mas dapat pahalagahan ang mga senyales na nagpapakita ng kakayahan, ugali, paniniwala at relasyon sa isa't-isa ng mga bata. Sa tulong ng mga laro at mga gabay na tanong, mas mapapalabas ng mga guro ang mga pananaw at damdamin na dapat hubugin upang lumaki ang mga bata na may paniniwala sa Diyos, pakikipagkapwa, paggalang sa awtoridad at sistema ng paaralan, at iba pang mabuting pag-uugali. Kaya't inaasahan ang mga guro na magobserba habang ang mga bata ay naglalaro. Napakahalagang bahagi ng kabataan ang paglalaro. Sa paraan ng paglalaro ng isang bata nalalaman ang kanyang pisikal, mental, emosyonal at sosyal na kapasidad. Kung oobserbahang mabuti ang mga bata habang sila ay naglalaro, matutukoy ang mga pagbabago na nagaganap sa kanilang pagkatao. Gayundin, malalaman ang mga pangangailangan nila upang ito ay mapunan habang bata pa sila. Sa ngayon, maraming pagkakataon ang mga bata na maglaro pagkatapos ng kanilang klase. Subalit karamihan sa mga larong kanilang kinagigiliwan ay ginagamitan ng teknolohiya at gadyet kagaya ng cellphone, tablet, kompyuter, at iba pa. Bagama't ang mga larong ito ay nakakapagturo ng ilang mahahalagang kaisipan at galing sa paggamit ng teknolohiya, hindi nito nalilinang ang pisikal, sosyal at emosyonal na kahandaan para sa mga mas mahahalagang hamon sa buhay. Dahil dito, malaki ang ginagampanang papel ng paaralan sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga bata upang makapaglaro ng mga angkop na laro para sa kanilang edad. Bigyang-diin sana ng pamahalaan ang tungkuling ito ng paaralan upang mabigyan ang mga bata ng pagkakataong makapagpahayag ng kanilang damdamin, saloobin at pagpapahalaga nang malaya. Mangyayari ito kung bibigyang- diin ang paglalaro sa mababang antas ng paaralan lalo na sa Kindergarten kung saan dapat ipatupad ang “play-based curriculum”. Hayaan nating maglaro ang mga bata upang umarangkada sila sa daan patungong tagumpay!!
Objective

Curriculum Information

K to 12
Kindergarten
Kindergarten
character and values development - social emotional development cognitive and intellectual development C. KALUSUGANG PISIKAL AT PAGPAPAUNLAD NG KAKAYAHANG MOTOR (KP) : Kasanayang “Gross Motor” (GM) C. KALUSUGANG PISIKAL AT PAGPAPAUNLAD NG KAKAYAHANG MOTOR (KP) : Kasanayang “Fine Motor” (FM) G. LANGUAGE, LITERACY AND COMMUNICATION (LL) : Alphabet Knowledge (AK)
Educators, Learners
Nagagamit ang mga kilos lokomotor at di-lokomotor sa paglalaro, pageehersisyo, at pagsasayaw. Naisasagawa ang mga sumusunod na kasanayan pagmomolde ng luwad (clay), at pagbuo ng puzzles). Identify the letters of one’s given name Match an upper- to its lower-case letter

Copyright Information

TIFFANY CORTAS (tiffany.cortas@deped.gov.ph) - Commonwealth ES, Quezon City, NCR
Yes
Tiffany R. Cortas-DepEd
Use, Copy, Print

Technical Information

3.15 MB
application/pdf