Ang kayamanan ng Pilipinas ay nasusukat hindi lamang sa likas na yaman, kasali na rito ang paglinang sa kamalayan ng kasaysayan na siyang nagbibigay liwanag kung ano tayo noon, ang pagkakakilanlan natin sa kasalukuyan at ang pabaong karunungan sa pagharap sa kinabukasan. Ang kasaysayan ng Bulacan ay maituturing na isa sa mga napakatatag at napakamakulay na kasaysayan ng ating bansa. Ang mga lugar na makikita dito ay nagsisimbolo sa kultura ng mga Pilipino sa pakikibaka, pananampalataya, pag-ibig at pagiging Pilipino sa lahat ng panahon. Ito ay isang proyektong mula sa Philippine Historical Trail: Seminar-Workshop on Historical Places in Bulacan, gawa ng grupo ng DepEd Region XI.
Objective
1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng makasaysayang lugar sa Battle of Quingua sa Bulacan
2. Nabibigyang halaga ang mga Pilipinong may kontribusyon sa Battle of Quingua sa Bulacan
3. Naipadadama sa mga mag-aaral ang katapangan at pagmamahal sa mga bayaning mandirigma
Curriculum Information
Education Type
K to 12
Grade Level
Grade 3, Grade 6
Learning Area
Araling Panlipunan
Content/Topic
Ang Mga Kwento ng Mga Lalawigan sa Sariling Rehiyon
Intended Users
Learners
Competencies
Naisasalaysay o naisasadula ang kwento ng mga makasaysayang pook o pangyayaring nagpapakilala sa sariling lalawigan at mga karatig nito sa rehiyon
Copyright Information
Developer
Neil Edward Diaz (neiledward.diaz) -
Davao del Norte,
Region XI - Davao Region