Ang Ibong Adarna at ang Pakikipagsapalaran ng Tatlong Prinsipe Filipino 7

Learning Material, Workbook  |  Worksheet  |  PDF


Published on 2023 September 12th

Description
Ang kagamitan ng mag-aaral sa Filipino 7 sa ikaapat na kwarter ay tumatalakay sa Ibong Adarna at ang pakikipagsapalaran ng tatlong prinsipe kasama ang mga aralin mula sa unang dalawang bahagi ng kasaysayan ng Ibong Adarna, mga malalalim na salita na bibigyan ng kahulugan upang lubos na maunawaan ang nilalaman ng akda; mga graphic organizer, at mga tanong upang magabayan ang mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto. Sa paggamit nito, ang mga mag-aaral ay malayang makakagawa ng mga gawain batay sa kanilang pansariling kaparaanan. Mas mauunawaan nila ang mga bagay na dapat nilang malaman batay sa mga layunin at sa buod ng bawat nilalaman.
Objective
Mga Layunin
Sa pagtatapos ng mga aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. nauunawaan ang nilalaman ng bawat aralin sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga nakatakdang gawain;
2. nabibigyang-kahulugan ang malalim na salita sa akda;
3. nailalarawan ang mga tagpuan sa akda;
4. naiisa-isa at nailalarawan ang mga tauhan sa Ibong Adarna;
5. nakabubuo ng sariling salawikain o kasabihan kaugnay ng aralin;
6. naisasagawa ang mga gawain gamit ang iba’t ibang graphic organizer;
7. naipaliliwanag ang mga nakalaang gawain;
8. napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa akda gamit ang mga larawan;
9. napagsusunod-sunod ang mga pangyayari gamit ang timeline;
10. nakaguguhit ng larawan ng maaaring maibigay sa mga nangangailangan;
11. nailalahad ang napagtagumpayan sa iba sa pamamagitan ng balloons;
12. nasusuri ang araling binasa sa pamamagitan ng iba’t ibang sangkap ng kwento;
13. nakabubuo ng sariling slogan na may kaugnayan sa aralin;
14. naiguguhit ang mga nagustuhang tagpo sa araling tinalakay;
15. nakagagawa ng graphic organizer hinggil sa epekto ng pagpapatawad;
16. nailalahad ang nagustuhang senaryo sa aralin;
17. nasusuri ang salitang naiiba ang kahulugan;
18. nasusuri ang araling tinalakay sa pamamagitan ng story grammar;
19. naiuugnay sa tunay na buhay ang mensaheng ipinahihiwatig sa saknong;
20. naiguguhit ang mga pangyayaring nakapaloob sa akda;
21. nailalahad ang maaaring gawin upang mailigtas ang nanganganib na pagkasira ng kalikasan sa pamamagitan ng ladder chart;
22. naiguguhit ang misteryosong balon batay sa paglalarawan nito sa akdang tinalakay;
23. nailalahad ang mga mahahalagang pangyayari batay sa balangkas ng banghay;
24. naibibigay ang sinasagisag o simbolismo ng mga tauhan sa kasalukuyang panahon; at
25. nakagagawa ng isang panalangin para sa kaligtasan ng minamahal.

Curriculum Information

K to 12
Grade 7
Filipino
Ibong Adarna: Isang Obra Maestra Estratehiya sa Pag-aaral
Educators, Learners

Copyright Information

Antipolo
Yes
Niel Orven A. Talavera

Technical Information

1.79 MB
application/pdf