Taon-taon ay hinahagupit ng bagyo ang iba’t ibang bahagi ng
bansa. Ang mga natural na kalamidad o sakuna tulad ng bagyo ay
maaaring magdulot ng mga pinsala sa mga ari-arian pati na rin sa buhay
ng tao. Ang kahandaan ay isang susi para maiwasan ang mga hindi
mabuting maidudulot at bunga ng anumang kalamidad o sakuna.
Ang aklat na ito ay tungkol sa isang batang laging nakahanda at
isinasabuhay ang mga natutunan sa paaralan. Kasama ang kanyang
mga magulang, sila ay naghanda bago pa man dumating ang sakuna.
Nakatulong kaya ang kanilang paghahanda para maiwasan ang
matinding epekto ng bagyo sa kanilang ari-arian at buhay? Tuklasin natin
ang kanilang mga ginawang pamamaraan para paghandaan ang
paparating na kalamidad.
Objective
Curriculum Information
Education Type
K to 12
Grade Level
Grade 4
Learning Area
Filipino
Content/Topic
Pagbasa: Pagunawa sa Binasa
Intended Users
Learners
Competencies
Nasasagot ang
mga tanong sa
binasang teksto
Copyright Information
Developer
SHEKINAH SERGIO (kinahsergio) -
La Castellana ES,
Negros Occidental,
NEGROS ISLAND REGION (NIR)