ANG PURSIGIDONG SI GODO

Storybooks  |  PDF


Published on 2023 July 4th

Description
Nangarap ang isang batang anak ng isang sakada na makatapos ng kanyang pag-aaral upang maiahon ang kanyang maralitang pamilya sa kahirapan. Galing sa ibayong isla ng Visayas particular sa bayan ng Aklan ang pamilya ni Godo. Dahil sila ay sakada, pinatyuan sila ng bahay na kung tawagin ay “tolda”. Nagtrabaho siya sa tubohan tuwing araw ng Sabado at Linggo upang magkaroon ng kita para may pambili ng kanilang pagkain. Nasa ika-limang baiting siya nang magbigay ng iskolarsip ang may-ari ng Hacienda para sa mga anak ng sakada. Hindi na nagaksaya pa ng panahon si Godo, nagsumikap siyang magpalista at nagging matagumpay nga siyang natanggap sa iskolarsip. Masaya na sana si Godo kung hindi nawala ang kanyang ina.. Nadatnan niya na nakahiga na sa papag ang kanyang ina at wala nang buhay. Dahil siya ay isang iskolar, lahat ng gastusin sa kanyang pag-aaral ay binabayaran ng iskolarsip program. Naging pursigido si Godo na makatapos sa kanyang kursong criminology. Sa kabila ng lahat ng hirap, sa wakas natapos nga niya ito at nagging isang pulis. Simula noon, nagging masaya na ang kanilang buhay. Nagawa na niyang ipasyal ang kanyang mga kapatid sa magagandang lugar. Dahil malaki na rin ang kanyang sahod, nag-ipon siya ng ipampatayo niya ng kanilang bahay. Naging matagumpay nga si Godo dahil sa kanyang pagpupursigi.
Objective

Curriculum Information

K to 12
Grade 5
Edukasyon sa Pagpapakatao, Filipino
Pananagutang Pansarili at Mabuting Kasapi ng Pamilya
Learners
Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri

Copyright Information

CRISTINE PATCHEJO (cristine patchejo) - Sta. Teresa ES, Negros Occidental, NEGROS ISLAND REGION (NIR)
Yes
Deped, Division of Negros Occidental
Use, Copy, Print

Technical Information

14.58 MB
application/pdf