Ang pagsayaw ay isa sa mga nakahiligan at kinagiliwang gawain noong kasagsagan ng pandemya. Bata man matanda ay may kaniya-kaniyang pakulo sa pagsasayaw sa social media. Marami na ring sumikat at kumita ng dahil dito. Iba kasi ang saya at galak na naidudulot ng pagsayaw sa isip, emosyon o katawan ng tao.
Ang librong ito ay tungkol sa isang batang gustong- gusto ang pagsayaw ngunit mayroong mga balakid sa kagustuhan niyang iyon. Wala siyang tiwala sa kaniyang sariling kakayahan kaya nakuntento na lang siyang manood sa iba.
Ngunit may isang pangyayari na nakapagpabago sa kaniyang kapalaran. Ano kaya iyon? Ating tuklasin kung paano niya nalampasan ang mga pagsubok para matupad ang kaniyang minimithi.
Objective
Curriculum Information
Education Type
K to 12
Grade Level
Grade 4
Learning Area
Physical Education, Filipino
Content/Topic
Folk Indigenous Ethnic Traditional and Creative Dances
Pagbasa: Pagunawa sa Binasa
Intended Users
Learners
Competencies
Describes the skills involved in the dance
Copyright Information
Developer
Emarie Dajay (dajayemarie) -
Jose M. Consing Memorial School,
Negros Occidental,
NEGROS ISLAND REGION (NIR)