Sa modyul na ito, malalaman mo ang tungkol sa respiratory system—ang sistema ng katawan na tumutulong sa
ating paghinga. Malalaman mo ang iba’t ibang bahagi na bumubuo rito. Malalaman mo rin ang iba’t ibang sakit na
nakapipinsala sa napakahalagang sistema ng ating katawan.
Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin:
Aralin 1— Paano Tayo Humihinga?
Aralin 2— Mga Karaniwang Sakit ng Respiratory System
Objective
Matapos pag-aralan ang modyul na ito, maaari mo nang:
? makilala ang iba’t ibang bahagi ng respiratory system;
? mailarawan kung paano gumagawa ang respiratory system;
? matukoy ang mga karaniwang sakit na nakaaapekto sa respiratory system;
? maibigay ang mga sintomas at sanhi ng mga sakit sa respiratory system;
? masabi kung paano gagamutin ang mga karaniwang sakit sa respiratory system; at
? matalakay ang mga paraan ng pangangalaga ng respiratory system.
Curriculum Information
Education Type
Grade Level
Elementary
Learning Area
ALS
Content/Topic
ls2 critical thinking
Intended Users
Learners, Students
Competencies
Copyright Information
Copyright
Yes
Copyright Owner
Bureau of Alternative Learning (BALS), DepED Complex, Meralco Ave., Pasig City